Vilma Santos, namangha nang makita ang kanyang mga lumang litrato by Jojo Gabinete

Vilma Santos, namangha nang makita ang kanyang mga lumang litrato by Jojo Gabinete

Vilma Santos: "Ang sexy ko, grabe! Ganyan pala ako noong araw. Sobra kong sexy!”

"Must visit and see" ang Archivo 1984, ang exhibit na pagbibigay-pugay sa Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Makikita sa Archivo 1984 ang hard-to-find photos, movie posters, vinyl records, at memorabilias ng 62 taong pamamayagpag ng showbiz career ng multi-awarded actress na itinuturing nang isang national treasure.

Photos: Jojo Gabinete

Si Vilma ang panauhing pagdangal sa pagbubukas ng exhibit na tinawag na "Vilma Night!"

Ginanap ito sa Archivo 1984 Gallery sa Chino Roces Avenue, Makati City, nitong Sabado, Agosto 10, 2024.

Nagulat at kinilabutan si Vilma nang bumulaga sa paningin nito ang mga hindi mabibilang na memorabilia.

PHOTO TAKEN BY THE LATE ROMY VITUG

Ang isang larawan na kuha ng award-winning cinematographer na si Romy Vitug (January 27, 1937 – January 18, 2024) sa set ng 1978 movie na Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak sa Majayjay, Laguna, ang pumukaw nang husto sa interes ni Vilma.

Ang nasabing pelikula ay ipinrodyus ng kanyang V.S. Film Co. Inc. noong 1978.

Reaksiyon ni Vilma: “Pagpasok ko, nag-goosebumps ako talaga. Nangilabot ako when I saw it.

"Kasi wala ako niyan. Wala akong mga kopya na ganyan.

“I saw my picture, si Romy Vitug, kinukunan pala ako.

"May isang frame, magkano ba yon? Bibilhin ko.

“I am wearing pink. Kinunan pala ako [ng litrato] ni Romy Vitug na nag-aayos ng belt, kagat-kagat ko pa yung belt.

“It was so natural na hindi mo makikita yang picture na yan."

The photo taken by award-winning cinematographer Romy Vitug on the set of Vilma's movie, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak. 

 

Dagdag pa niya, “There’s so many many pictures and nagre-reminisce po ako sa aking career.

"Unfortunately, wala ako ng mga ito. Kung meron man siguro masuwerte na yung mga lima, but the rest, wala talaga."

Read more

 

Back to news