Skip to product information
1 of 1

Musika at Bagong Lipunan: Pagbuo ng Lipunang Filipino, 1972-1986

Musika at Bagong Lipunan: Pagbuo ng Lipunang Filipino, 1972-1986

Raul Casantusan Navarro

Regular price ₱750
Regular price Sale price ₱750
Sale Sold out

Bagama’t dalawampu’t limang taon na ang nakalipas buhat nang pagkatatag ng batas military at ang pagkabuwag nito sa pamamagitan ng rebolusyon ng People Power, sa dami ng mga sulatin at aklat na lumabas at nailimbag ay wala pang tumuon sa paksa ng musika na siyang umiral sa kabuuan ng rehimeng nagtaguyod dito bilang isang malakas na puwersa sa pagbabago ng kamalayan at pagpapahalaga. Totoong napapanahon na, na ang ganitong talakayin at pag-aaral ay maisulat upang mabuo pa nang kaunti ang malaking larawan, kung saan maraming aral ang matututuhan ng buong bansa at marami ring sulok ng katotohanan ang mararating ng ating kaalaman.

Ang pagtatangkang ito na mailuklok ang musika sa tamang lugar nito sa mga pangyayaring naganap sa rehimen ni Marcos ay isang pambihirang gawa na maaaring makapag-udyok ng iba pang pag-aaral sa iba pang aspeto ng mga karanasang dinanas noong mga panahong iyon. Ang pag-aaral na ito, katangi-tangi sapagkat tinukoy nito ang isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino, kahit na marami pang palaisipang mauukilkil at mailalagay sa iba’t ibang perspektiba at kaayusan. - Ramon Pagayon Santos, Ph.D., Professor Emeritus, College of Music, University of the Philippines

Published in 2014 by Ateneo De Manila University Press

203 pages

View full details